National Heroes Day
Published Date:
Published By:
Page Content
National Heroes Day
29 August 2022
Kaisa
ang Museo ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa paggunita ng buong bansa sa
Araw ng mga Pambansang Bayani ngayong ika-29 ng Agosto 2022.
Tinatampok
ng BSP ang 5-Piso Bagong Bayani Commemorative Coin na nilikha upang
magbigay pugay sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na itinuturing na
mga bagong bayani ng ating bansa. Makikita sa harap ng barya ang walong
mukha na kumakatawan sa mga manggagawang nangibang bansa, at ang mga
pangalan ng bansang may pinakamaraming OFWs. Sa likod ng barya ay
makikita ang karaniwang larawan ng isang pamilya na sama-sama sa
paghatid sa kanilang mahal sa buhay patungo sa ibang bansa upang
maghanapbuhay.
Ang 5-Piso Bagong Bayani Commemorative Coin ay
unang inilunsad noong 2014. Sa mga nagnanais na mangolekta o bumili ng
mga commemorative coins ay maaring bumisita sa link na ito: https://www.bsp.gov.ph/sites/feedback/SitePages/BSPShop.aspx
Para naman sa karagdagang kaalaman tungkol sa kolesyon ng BSP, bisitahin ang www.bit.ly/BSPMuseum
#BSP
#BSPMuseum
#MuseoBangkoSentral
#NationalHeroesDay

Created:6/17/2020 3:20 PM by:
Pambid Frederick D.
Modified:5/24/2023 3:04 PM by:
Pambid Frederick D.